Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jadine James Reid Nadine Lustre Deleter

Nadine sa pakikipagtrabaho kay James — Why not, hindi kami magkaaway  

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

WE will see. We don’t know what to expect. it’s a good project, why not?” Ito ang itinugon ni Nadine Lustre nang maurirat sa kanya sa isinagawang media conference ng Metro Manila Film Festival entry nilang Deleter mula sa Viva Films at idinirehe ni Mikhail Red kung pwede pa ba silang magkasama o magkatrabaho ni James Reid.

Matagal nang hiwalay at hindi nagkakatrabaho sina Nadine at James pero marami pa ring fans nila ang umaasa na kahit sa pelikula o serye ay magkakabalikan o magkakasama muli ang dalawa.

Hindi naman isinasara ni Nadine ang posibilidad na magkasama sila ng dating BF at ka-loveteam dahil marami pa rin ang naghahanap sa kanilang dalawa. 

“We will see. We don’t know what to expect. That’s what I’ve been telling everyone. If it’s a good project, why not? I’m a very collaborative person. Hindi naman kami magkaaway,” sambit ng dalaga.

Sa kabilang banda, excited at proud si Nadine sa kanyang first tehcno horror film lalo’t kasama sa MMFF na mapapanood sa Kapaskuhan. 

“This is one project that I can say I’m really proud of. It’s different from the other projects I’ve done because this is my first full-length horror movie,” ani Nadine.

At ngayon lang pala gumawa ng horror movie si Nadine dahil, “I guess I just waited for the right project. A lot of my projects are drama and rom-com.

“Hindi talaga nangyayari ‘yung horror film. But I’ve been vocal about wanting to do other genres like action films, horror,” sambit pa ng dalaga.

Wish ni Nadine na maging effective ang papanakot nila nina Louise delos Reyes, McCoy de Leon, at Jeffrey Hidalgo sa Deleter na sa totoo lang gandang-ganda kami nang mapanood ang trailer nito. 

Pero kung ayaw ninyong mabura, ‘wag kayong deleter or else baka mangyari sa inyo ang nakakikilabot na naganap sa grupo nina Nadine. Watch n’yo na lang para masaksihan ang magandang istorya ng Deleter sa December 25.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …