Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Thea Tolentino

Ideal age sa pagpapakasal ni Thea nabago 

RATED R
ni Rommel Gonzales

DATI ay may ideal age for marrying si Thea Tolentino, pero ngayon, wala na. Nagbago na ang isip niya.

“Dati gusto ko , ‘pag 30 pa ako, ganyan kasi gusto ko pang mag-travel, ganyan.

“Pero habang tumatagal iba-iba ‘yung nae-experience mo every year, nagbabago ‘yung perspective mo.

“Dati gusto kong mag-settle sa Japan, tapos, ‘Ay hindi pala!’

“Nagbabago. Kasi noonh mga time na ‘yun ‘yung plans ko para sa sarili ko is iyon lang, para sa sarili ko lang talaga.

“Wala kasi akong iniisip na partner noon, pero ngayon nag-iiba dahil iyon nga, may partner ka na,” paliwanag ni Thea.

Ini-enjoy lang muna nila ng boyfriend niyang si Martin San Miguel ang kanilang relasyon. Hindi rin istrikto ang boyfriend ni Thea.

Pero halimbawang gagawa siya ng isang eksenang seksi sa harap ng kamera, papayag kaya si Martin?

“Wala pa naman po akong ginagawang seksi at saka nasa akin din naman po ‘yun kung komportable ako, iyon po ang importante.”

Gumaganap si Thea bilang Dahlia Chua sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters samantalang piloto ng PAL Express si Martin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …