Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aljur Abrenica Kylie Padilla

Aljur at Kylie araw-araw nag-uusap para sa mga anak

MA at PA
ni Rommel Placente

AYON kay Aljur Abrenica. posible pa ring magkabalikan sila ng dating asawang si Kylie Padilla. Sinabi niya ‘yun sa one -on-one interview niya sa entertainment writer at TV host na si Aster Amoyo.

Tanong ni Aster, “But you’re not closing your doors to the possibility [of reconciliation]?”

“May nagsarado ba?” sagot ni Aljur. “‘Yung iba nga sinasabi nila wala na talaga pero mayroon pa, ‘di ba? Wala namang nakaaalam kung anong mangyayari.

“Hindi ko nga alam na maghihiwalay kami eh. Hindi ko nga alam na magkakaanak kami, ‘di ba?” aniya pa.

Isa rin sa napag-usapan nila ang co-parenting set up nila ni Kylie.

“Sa co-parenting kami nagfo-focus ngayon kasi iisipin ninyo na ‘yung mga bata eh. Almost everyday nag-uusap kami.

“Kahit hiwalay kami, we’re still learning from each other how to be a good parent.”

Sa huli, lubos na pinasalamatan ni Aljur ang fans na patuloy pa ring sumusuporta sa kanila matapos ang paghihiwalay nila ni Kylie.

Nanawagan din siya na respetuhin sana ng iba ang kasalukuyang sitwasyon nila ng anak ni Robin Padilla.

“Naa-appreciate ko ang lahat, thank you. Even though ‘yung iba nagagalit and may sinasabi sa aking masama, I appreciate that, kasi naramdaman ko ‘yung sakit nila.

“Nasaktan din naman ako, nasaktan kaming dalawa. 

“Respeto na lang kung ano ‘yung pinagdadaanan namin. Hindi naman talaga alam ng lahat kung ano talaga ‘yung nangyari.” 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …