Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
road traffic accident

Motorcyle driver, todas sa umaatras na trailer truck

ISANG driver ng motorsiklo ang namatay nang mahagip ng puwitan ng isang dambuhalang trailer truck at pumailalim hanggang maipit ng gulong sa Navotas City kamakalawa ng gabi.

Dead on-the-spot ang biktimang kinilalang si Jade Matthew Diez, 28 anyos, residente sa Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) – Proper sa naturang lungsod, sanhi ng pagkadurog ng katawan.

Mahigit isang oras bago nakuha sa ilalim ng truck ang nadurog na katawan ng biktima.

Kaagad naaresto ang suspek na kinilalang si Rafael Vitug, 40 anyos, residente sa Velasquez St., Tondo, Maynila.

Batay sa  imbestigasyon ni P/Cpl. Florencio Nalus, dakong 8:45 pm, nang maganap ang insidente sa kahabaan ng C-3 Road, Brgy. NBBS ng nasabing lungsod.

Tinatahak ng biktima, sakay ng kanyang motorsiklong nakarehistro sa isang Juan Paolo Enriquez ang kahabaan ng C-3 Road patungong Caloocan City.

Tiyempong minamaniobra ni Vitug ang trailer truck papasok sa garahe sa tapat ng isang gasoline station sa C-3 Road, Brgy. NBBS – Proper pero dahil walang spotter nahagip ng kaliwang bahagi ng truck ang motorsiklong minamaneho ng biktimang si Diez.

Bigla itong bumangga sa truck na nagresulta upang tumalsik at mapailalim siya sa mga gulong ng dambuhalang sasakyan.

Nadakip ng mga nagrespondeng tauhan ng Navotas police ang driver ng trailer truck na ngayon ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide habang iniutos ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging ang pagpapa-impound sa tractor head at nawasak na motorsiklo. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …