Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
LA Santos Ian Veneracion

LA Santos tututukan ang pag-arte, dream makatrabaho si Ian Veneracion

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NASUBAYBAYAN namin ang karera ni LA Santos kaya isa kami sa natuwa na malayo-layo na ang narating niya mula sa pagkahilig lang niyang kumanta at ngayon sa umaarte na rin.

Isa siya sa napapanood ngayon sa Kapamilya action-fantasy series na Darna na pinagbibidahan nina Jane de Leon, Janella Salvador, at Joshua Garcia.

Siya si Richard Miscala, isa sa mga miyembro ng paramedic team na kasama si Darna. 

Ani LA masaya siya sa malaking break na ibinigay ng ABS-CBN sa kanya dagdag pa na siya ang kumanta ng isa sa mga themesong ng Darna, ang ‘Di Maghihiwalay.

Sa pakikipagkuwentuhan namin si kay LA naibahagi niya ang pag-uumpisa ng kanyang showbiz career. Una siyang ipinakilala bilang recording artist ng Star Music (2017) at naging frontman ng grupong 7K Sounds (2020). Hanggang sa nabigyan ng pagkakataong makaarte si LA at inamin nitong super enjoy siya at ito muna ang pagtutuunan niya ng pansin. Pero hindi naman niya isasantabi ang pagkanta.

Na-attach po ako mismo sa art of acting. Ever since, never naman po ako na-attract sa acting dahil sa fame o sa pera. Na-in love ako sa experience na para akong napupunta sa ibang mundo,” plowanag ni LA na gwapong-gwapo lalo ngayon.

Hindi naman nahirapan si LA sa pag-arte dahil may one on one workahop siya kay Malou Crisologo. Si Malou ay seasoned actress nagmarka sa mga seryeng FPJ’s Ang Probinsyano at The Broken Marriage Vow.

Pagbabahagi pa ng binata ni Mami Flor, baon-baon niya ang mga payo ng mga artistang nakakatrabaho niya tulad nina Sam Milby, Iza Calzado, at Jodi Sta. Maria sa Ang Sa Iyo Ay Akin.

Ilan dito aniya ay, “Take your time, mag-relax, at huwag mag-overthink.”

Pero may isang payo na talagang tumatak sa kanya habang ginagawa ang seryeng Ang Sa Iyo Ay Akin, “‘Yung pinaka-tumatak sa akin ay galing kay Ms. Jodi Sta. Maria. Sinabi niya po sa akin na huwag na huwag kakalimutan kung bakit ko ito ginagawa.

“Maganda pong reminder to think about my purpose ‘yung sinabi po ni Ms. Jodi,” aniya pa.

Dream role naman ni LA na makaganap bilang anak ni Ian Veneracion.  “Kasi favorite rin po siya ni mami.”

Iginiit din ni LA na sa acting na niya nakikita ang career path niya. “‘Yung music ko po at pagiging singer sobrang blessed ko na lang po. Kumbaga, bonus na lang.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …