Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julia Victoria Angelo Ilagan Rico Barrera

Julia Victoria, nakipaglampungan sa 3 barako sa pelikulang Kabayo

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KASALUKUYANG nagsu-shooting sa Tacloban City si Julia Victoria para sa pelikulang Kabayo.

Bukod kay Julia, tampok din sa pelikula sina Rico Barrera, Angelo Ilagan, Apple de Castro, Francesca Flores, Ping Medina, at Paolo Rivero. Directed by Gian Franco, ito’y prodyus ng LDG Pinoyflix at ni Manuel Veloso.

Dito’y gumaganap si Julia bilang si Lorraine, isang anak mayaman na very liberated sa sex, to the point na handa niyang i-explore ang iba’t ibang bagay.

Palaban ang tisay na aktres sa kanyang mga sexy scenes dito. “Wala po akong limitations sa pagpapa-sexy. Okay lang maghubad basta may plaster lang po, basta kung ano ang makagaganda sa movie ay go po ako,” nakangiting sambit ni Julia.

Kumusta ang co-stars niya sa pelikula? “Ang babait nila, magagaling umarte and mga down to earth kasama… plus, very humble and friendly talaga, napakagaan sa pakiramdam ng mga kasama kong girls and mga boys, bilang magagaling at subok na silang artista. Mas marami rin akong natututuhan ngayon,” masayang tugon ng aktres.

Pagdating sa matitinding love scenes, ipinahayag ni Julia na napalaban siya sa tatlong barako sa pelikulang ito.

“So far, dalawa pa lang ang love scenes na na-shoot namin, ito’y kina Paolo Rivero sa car. At ‘yung love scene na isa pa, bale ‘yun ay threesome, kasama ko naman dito sina Angelo Ilagan at Rico Barrera.”

Mahirap bang i-shoot ang threesome and gaano kainit ang lampungan na ito? “Well, ang masasabi ko na lang, sa akin na lang ‘yun kung nakaramdam man ako ng pag-iinit ng katawan habang ginagawa namin iyon, hahahaha!

“Sa totoo lang, ang popogi kasi nila… Pero siyempre ay kailangan kong maging professional.

“Seriously, medyo mahirap siya kasi first time ko with two guys. Nahirapan ako, kasi medyo ‘di ko alam kung paano ‘yung galaw at kung paano siya mas magiging makatotohanang panoorin. Pero para sa akin, maganda ang pagkakakuha sa love scene na iyon. Kaya excited na rin akong mapanood itong movie naming Kabayo, very soon,” wika ni Julia.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …