Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Valenzuela

Solon, DSWD namahagi ng ayudang medical, burial

PINANGUNAHAN ni 1st district representative Rex Gatchalian ang pamamahagi ng medical at burial assistance sa mga Valenzuelano sa ilalim ng probisyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) – Assistance to Individuals/Families in Crisis Situation (AICS).

Nasa 300 katao ang nakatanggap ng tulong medikal at 50 indibidwal ang nabigyan ng burial assistance ng lokal na pamahalaan.

Ang tulong medikal at burial cash na ibinigay sa mga benepisaryo ay magsisilbing suporta sa pagbabayad ng medical bills, pambili ng mga gamot, at gastusin sa burol.

Ang DSWD ay naging mahusay at mabisang support system ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela sa pagtitiyak ng kagalingan ng mga nasasakupan nito.

Kasunod ng Memorandum Circular No. 02, Series of 2014 ng DSWD, ang AICS program ay bahagi ng kanilang malawak na programa na tumatalakay sa kanilang mga serbisyong proteksiyon para sa mahihirap, marginalized, at vulnerable/disvantaged na indibidwal.

Bukod dito, patuloy silang nagbubuo ng mga programa na naglalayong protektahan ang mga karaniwang tao mula sa mga sakuna at bigyan sila ng magandang kalidad ng buhay. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …