DALAWANG lalaking walang pagkakakilanlan
ang binawian ng buhay nang tambangan sa abalang bahagi ng national highway sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, lalawigan ng Maguindanao, nitong Lunes ng umaga, 21 Nobyembre.
Ayon kay P/Lt. Col. Nelson Madiwo, Datu Odin Sinsuat MPS, sakay ang mga biktima ng berdeng Toyota Vios nang tambangan ng mga suspek dakong 9:45 am kahapon sa Brgy. Margues.
Ani Madiwo sa panayam, nagsasagawa ang kanyang mga tauhan ng pursuit operation upang tugisin ang mga suspek.
Samantala, patuloy ang pagsisiyasat ng Scene-of-the-Crime Operatives (SOCO) upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima.