HATAWAN
ni Ed de Leon
SI Isabel Santos, na sinasabing syota ngayon ni John Lloyd Cruz ang siyang nag-post ng kanilang picture habang magka-holding hands pa sa isang dinaluhan nilang okasyon. Natawa kami, dahil may isa pang picture na kinunan na nakatalikod sila pero mas kita ang kanilang holding hands.
Siguro nga, ginawa iyon ni Isabel para aminin na ang kanilang relasyon ni John Lloyd. Kung saan-saan na nga naman sila
nakarating, hanggang sa abroad, pero wala pang kompirmasyon ng kanilang relasyon. Sasabihin ba nilang ang pagsasama nila sa mga bakasyon pati sa abroad ay “as a friend” lang? Hindi naman siguro, kaya nga inilabas na ngayon ni Isabel ang pictures na magka-holding hands sila.