Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lovi Poe Coco Martin JM de Guzman Daniel Padilla Jericho Rosales

Coco, JM, Daniel, at Jericho dream makatrabaho ni Lovi

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TILA kinikilig si Lovi Poe nang sagutin ang tanong kung sino ang mga aktor na pangarap niyang maging leading man at makatrabaho.

Sa ginanap na mediacon ni Lovi para sa TV series na Flower of Evil na napapanood sa primetime sa Kapamilya Network hindi itinago ng aktres ang excitement na makatrabaho ang ilang Kapamilya actor.

Unang-unang binanggit ni Lovi si Piolo Pascual na naisakatuparan na nga dahil sila ang magkasama at leading man niya sa Flower of Evil. Maging si Zanjoe Marudo ay kasama sa listahan niya na nakatrabaho na rin niya sa Malaya.

Of course gusto ko uling makatrabaho si Zanjoe. Nakatrabaho ko na siya sa ‘Malaya’ (2020), I love ‘Malaya.’

And eversince dream ko talagang maka-trabaho si Coco (Martin), same with JM De Guzman, Jericho Rosales, Daniel (Padilla).

Sinabi rin ni Lovi na gusto niyang gumawa ng action series o pelikula at gusto niyang gawin ang Ang Panday ng kayang papa—Fernando Poe, Jr..

Siguro nasa dugo talaga (pag-aksiyon) kasi nga matagal ko nang gustong gumawa ng mga ganitong klaseng eksena and a part of me that I feel it has something to do with him,” saad ng dalaga.

And also nagpe-pray talaga ako sa mga ganoong scenes and my dad is known for that and alam ko na I won’t be able to reach or fill in that shoes pero sana magawa ko kahit kalahati man lang ng nagawa niya, happy na ako roon,” susog pa ni Lovi.

Samantala, unang project ni Lovi ang Flower of Evil sa ABS-CBN at hindi niya malilimutan ang eksenang  pool scene na kinailangan niyang mag-dive at sumisid para i-save si Piolo.

Inamin ni Lovi na sobrq siyang na-stress

sa eksenang iyon dahil kung ilang oras sila sa ilalim ng tubig at binibigyan niya ng oxygen si Piolo na nakatali.

It was very stressful for me because I had to untie him and all.

Samantala, mayayanig ang mundo nina Piolo at Lovi nang mapunta kay Iris (Lovi) ang imbestigasyon ng isang serial murder case na hindi pa nalulutas at maaaring konektado kay Daniel. Gagawin ni Iris ang lahat upang maresolba ang kaso, habang hindi niya alam na may posibilidad na isang mamamatay-tao ang pinakamamahal niyang asawa. 

Subaybayan ang Flower of Evil gabi-gabi ng 9:30 p.m. sa Kapamilya Channel, Jeepney TV,  A2Z, at TV5.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …