Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Toni Gonzaga Vhong Navarro

Toni nalulungkot sa nangyayari kay Vhong — All I can offer now is prayers

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

AMINADO si Toni Gonzaga na ikinalulungkot niya ang nangyayari ngayon sa kaibigang si Vhong Navarro.

Sa media conference kahapon ng tanghali para sa kanyang 20th anniversary concert na I Am…Toni hindi itinanggi ng Ultimate Multimedia Star na nalungkot siya kay Vhong.

Siyempre hindi mo maiaalis na malungkot, ako hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, all I can offer now is prayers,” sambit ng aktres/TV host nang hingan ng reaksiyon tungkol kay Vhong. Dalawang pelikula rin ang pinagsamahan nina Toni at Vhong, ito ay ang  D Anothers  (2005 ) at My Only You (2008).

Hanggang ngayon ay hindi pa napagbibigyan ang kahilingan ng kampo ni Vhong na makapaglagak ng bail para sa kinakaharap na rape case. Ang tiyak pa lang, ililipat ang aktor sa Taguig City Jail mula sa NBI detention center.

Sa kabilang banda, ayaw pang ihayag ni Toni kung sino-sino ang mga guest niya sa I Am Toni concert na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Enero 20, 2023 dahil sorpresa iyon. Ang tiyak, ang magiging guest niya ay naging parte ng career niya ang mga iyon.

Nang tanungin kung kasama ba roon si Piolo Pascual? Ang tugon ng aktres, “basta surprise.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …