ni Ed de Leon
“PARA magka-pera lang tito,” sabi naman ng isang baguhang male starlet habang ikinukuwento niya ang mapait na karanasan na suma-sideline bilang “car fun boy.” Dahil nakita na nga siya sa tv at ilang indie, hindi na siya maaaring sumakay sa libreng EDSA Carousel. Kailangang naka-taxi o TNVS siya.
Hindi na siya makakakain sa karinderya, o sa nagtitinda ng mami sa kariton. Kailangan nasa food chain na siya o kahit na sa isang
maliit na restaurant. Eh ang bayad naman sa kanila sa indie ay barya, at sa mga event ay ganoon din at kung minsan TY pa. Paano nga naman sila mabubuhay?