Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carmina Villaroel

Carmina napikon sa kaeksenang nanampal ng bonggang-bongga

MA at PA
ni Rommel Placente

SA latest episode ng podcast na Wala Pa Kaming Title kasama ang mga kaibigan niyang sina Candy PangilinanGelli, at Janice de Belen, ikinuwento ni Carmina Villaroel ang isang artistang sumampal sa kanya nang bonggang-bongga sa isang proyektong ginawa niya ilang taon na ang nakararaan. Hanggang ngayon daw ay naaalala pa rin niya iyon.

Talagang nawindang siya sa nasabing eksena na hanggang ngayon ay parang ramdam na ramdam pa rin niya ang sakit sa mukha niya.

Kuwento ni Carmina, “May buwelo, ‘yung talagang galing dito sa baba paganoon sa akin. Nawala ako sa frame at nahulog ako sa sofa. Buti na lang may sofa kasi kung walang sofa nahulog ako sa floor.”

Walang binanggit na pangalan si Carmina sa kanyang rebelasyon kung sino ‘yung artistang nakaeksena niya na sumampal sa kanya nang malakas.

Aminado siya na napikon siya sa artistang ‘yun.

“Napikon ako, kasi ang sakit, ang sakit. Imadyinin mo may buwelo,” sey pa ni Carmina.

Buti na lang mayroon pa rin siyang presence of mind habang kinukunan ang nasabing sampalan scene at itinuloy pa rin ang eksena para hindi na sila ma-take 2 o take 3 dahil baka hindi na siya makapagpigil.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …