Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos
Vilma Santos

Sa ika-60 sa showbiz <br> VILMANIANS MAY SORPRESA KAY ATE VI

HATAWAN
ni Ed de Leon

HINDI talaga magpapakabog ang mga Vilmanian. Bagama’t ang akala nga ng iba ay lalagpas na ang 60 years ni Ate Vi (Ms Vilma Santos) sa showbiz dahil kailangan pa iyong magpahinga, sa advice rin ng kanyang doctor, at sinabi nga niyang sa hirap ng buhay ngayon ay parang hindi pa

napapanahon ang isang celebration, kaya siguro naman maaaring next year na iyon sakaling mas maganda na ang buhay. Ayaw pa ring palampasin iyon ng Vilmanians.

Hindi naman kasi puwedeng hindi maski paano lang ay may celebration,” sabi sa amin ni Jojo Lim na siyang nangunguna sa VSSI, ang umbrella organization ng iba pang mga fan club ni Ate Vi. Ayaw niyang sabihin kung ano, pero may nailusot silang ilang gagawin para sa 60th year ni Ate Vi.

Ang nakatatawa, maging si Ate Vi ay walang kamalay-malay sa plano pero sinabi nila na nagawa na nila ang lahat ng arrangements na kailangan at sigurado nang matutuloy iyon. Hindi nga sila makapayag na lalampas na lamang iyon ng ganoon.

Kahit na nga pandemic, tuloy-tuloy ang plano namin at nagagawa na namin ang lahat ng iba pang kailangang gawin. Iyong hindi magagawa this year, iyon ang itutuloy for next year, pero hindi puwedeng walang celebration,”sabi pa ni Jojo.

Sa pangalan din ni Ate Vi ay gagawa sila ng mga charity project sa mga biktima ng kalamidad, bilang pasasalamat na rin sa

Diyos dahil sa 60 taong career na naipagkaloob kay Ate Vi, at hanggang ngayon ay aktibo pa siya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …

Will Ashley Odette Khan Bar Boys 2

Will Ashley natulala kay Ms Odette: Sobrang goosebumps, gusto ko pagtanda ko ‘yun ako

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PURING-PURI ni direk Kip Oebando si Will Ashley dahil sa galing nitong umarte at nagampanan …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …