ni Ed de Leon
MAY nagkuwento lang naman sa amin, hindi raw siguro namamalayan ng isang bading na matinee idol habang pinanonood ang kasal ng isang male model sa live in partner niyon. May tsismis na noong araw, nagkaroon din ng relasyon ang matinee idol at ang poging male model.
Pero hindi sila nagtagal eh, kasi ang male model ay nagkaroon ng girlfriend noon, at natigil ang kanilang pagkikita. Pero hindi pala roon natapos iyon para sa bading na martinee idol, patuloy pa pala siyang umaasa na “makakaisa” pa siya sa male model.
Eh nakita nga niya sa internet na nagpakasal na pala iyon, kaya siguro siya naluha dahil tuluyan nang gumuho ang kanyang pag-asa na “makaisa” man lang ulit kay pogi.