ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
MAPAPANOOD sa dalawang movies si Charo Laude very soon, na parehong horror ang tema.
Una ay sa That Boy in the Dark starring Joaquin Domagoso at ang MMFF entry na Deleter ni direk Mikhail Red na tinatampukan nina Nadine Lustre, Louise delos Reyes, at McCoy de Leon.
Ang former Mrs. Universe Philippines na si Ms. Charo ay gaganap na mother ni Joaquin sa pinagbibidahang pelikula ng young actor, samantala sa Deleter ay kasamahan naman siya sa trabaho ni Nadine.
Wika ni Ms. Charo, “This is something new and besides mahilig talaga akong mag-watch ng horror movies. Exciting gumawa ng ganitong projects na naiiba talaga.
“Ang tema ng unang movie ay may pagka-horror, kaya kakaiba siya and dito ay ibang klaseng acting ang ipinakita ni Joaquin. Napakagaling niyang actor and masarap katrabaho.
“Nakatutuwa dahil ang daddy niya na si isko ay ka-member ko sa That’s (Entertainment) Monday group at same ang manager namin, si daddy Wowie Roxas.”
Pahabol niya, “Exciting gawin ang project na ito and kahit sa set, iyong feeling na nakatatakot na nadadala ka sa eksena…? Plus dito ay ibang nanay ang role ko, not like as glamorous mom na tulad sa ibang naging role ko.”
Idinagdag niyang iba ang kanyang naramdamang saya dahil nakapasok sa Metro Manila Films Festival 2022 (MMFF) ang kanilang pelikulang Deleter.
“Sobrang happy, kasi first time ko ito sa MMFF and ‘di ko expected na makasama rito as a Viva artist talent, so happy and excited talaga ako.
“Sa movie na ito, napakagaling ni Nadine at lahat ng mga artista like sina Jeffrey and Louis, McCoy… lalo na si direk Mik, sobrang cool sa set at napakagaling at mabait. Talagang ‘di kami pinabayaan, kahit sa trailer ng movie ay talagang makikita mo ang suporta niya,” sambit ni Charo.