HATAWAN
ni Ed de Leon
MAY isang grupong nag-uusap tungkol sa binabalak nilang television awards, na hindi matapos-tapos ang papuri kay Andrea Torres dahil sa kanyang napakahusay na pagkakaganap bilang Sisa, sa isang teleserye na batay sa nobela ni Jose Rizal.
Mukha ngang sinuwerte at mas lalong gumaling bilang isang aktres si Andrea matapos mahiwalay kay Derek Ramsay. Wala naman sigurong masama sa kanilang relasyon. Pero siyempre siguro nga nang magkahiwalay sila nakapag-concentrate si Andrea sa kanyang propesyon kaya mas gumaling pa siya kaysa dati.
Mukhang dahil sa performance niya sa nasabing serye ay maghahakot ng awards iyang si Andrea sa susunod na taon.