Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead

Sa Cebu <br> TEENAGER NA LGBT NATAGPUANG HUBO SA DAMUHAN, PATAY

NATAGPUAN ang hubong katawan ng isang 15-anyos dalagitang miyembro ng LGBT sa isang madamong bahagi ng Brgy. Gairan, lungsod ng Bogo, lalawigan ng Cebu, nitong Linggo, 13 Nobyembre.

Kinilala ang biktimang si Jeanelle Maekylla Royos, 15 anyos, residente sa Brgy. Gairan, sa nabanggit na lungsod.

Nabatid ng pulisya, natagpuan ng isang babaeng nagpapastol ng kanyang kambing ang katawan ni Royos dakong 3:00 pm kamakalawa.

Ayon kay P/Lt. Col. Florendo Fajardo, hepe ng Bogo CPS, natunton ang nilalangaw na katawan ng biktima dahil sa umaalingasaw na amoy na nagmumula rito.

Dagdag ni Fajardo, dumalo ang biktima kasama ang kanyang 19-anyos nobya sa isang handaan noong Biyernes ng gabi, 11 Nobyembre at nagpasyang umuwi hatinggabi ng Sabado.

Ayon sa nobya ng biktima, sabay silang umalis ng handaan ngunit naghiwalay din pauwi sa kani-kanilang mga bahay.

Aniya, hindi sumagot si Royos nang nag-chat siya sa Facebook messenger pagkauwi niya.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy kung mayroong foul play sa pagkamatay ng biktima. ###

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …