Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carmina Villaroel Cassy Legaspi Darren Espanto

Carmina diretsahang tinanong si Cassy ukol kay Darren

MA at PA
ni Rommel Placente

SA show nilang Sarap Di Ba, tinanong ni Carmina Villarroel ang anak na si  Cassy Legaspi kung ano ang relasyon nito kay Darren Espanto. Nali-link kasi ngayon ang dalawa.

“We’re vey close. So, I would say best friend. Best friend ko siya,” nakangiting sagot ni Cassy sa kanyang mommy.

Aminado naman si Carmina na hangga’t maaari ay ayaw pa niyang payagan si Cassy na magka-boyfriend. At naniniwala si Carmina sa sagot ng anak na hindi pa nito kasintahan si Darren.

“Ang sabi sa akin ni Cassy, eh, wala pa raw sa isip niya ang boyfriend-boyfriend. Sabi niya gusto niya mag-concerntrate rito sa trabaho niya. Plus, nag-school kasi.

“So, gusto ko paniwalaan, gusto ko panghawakan na wala sa isip niya ‘yung ganoon. ‘Di siyempre pabor sa akin ‘yun.”

“Wow!” ang natatawang reaksiyon naman ni Cassy pagkarinig sa sinabi ni Carmina tungkol sa kanya.

Pero kung saka-sakaling magka-boyfriend na si Cassy, iintindihin naman ni Carmina.

“Siyempre dumaan ako sa ganoon. So I am trying my best to be understanding because pinagdaanan ko ‘yun noong bata ako.

“Like I said, I trust Cassy, I trust Mavy. So, huwag lang nila i-break ‘yung trust ko,” sabi pa ni Carmina.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …