Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun

Wanted sa Bulacan, nanlaban sa QC-pulis, dedbol

PATAY ang binata na wanted sa kasong attempted homicide sa Bulacan makaraang makipagbarilan sa mga operatiba na nagsasagawa ng anti-illegal gambling operation sa Brgy. Payatas, Quezon City, ayon sa ulat kahapon.

Ang suspek ay kinilalang si Ramil Gruta Villegas, 21, alyas Ramboy, karpintero, binata, at residente sa No.  2650, Pinagkaisa St., Brgy.  Commonwealth, Quezon City.

Sa naantalang report ng Payatas Bagong Silangan Police Station (PS-13), ng Quezon City Police District (QCPD), bandang 9:45 pm noong 11 Nobyembre nang maganap ang insidente sa Block 7 Poinsettia St., Brgy. Payatas, sa lungsod.

Batay sa imbestigayon ni P/Cpl. Isaias De Pedro II, nagsasagawa ng anti-illegal gambling operation ang mga operatiba ng PS-13 sa lugar, nang bigla na lamang silang paputukan ng baril ng suspek.

Dahil dito, agad gumanti ng pamamaril ang mga nagulantang pulis at bagamat tinamaan ang suspek sa kaliwang tagiliran ay nagawa nitong tumakas nang parahin ang paparating na tricycle na minamaneho ni Alimar Pantao.

Nang makitang duguan ang sakay ay dinala ng tricycle driver ang suspek sa QCGH pero binawian din ng buhay bandang 5:45 am kahapon, 13 Nobyembre, ayon kay  Dr. Tetsuro Jake Hayase.

Kinalaunan, nalaman ng mga awtoridad na may warrant of arrest ang napatay na suspek sa kasong attempted homicide na inalabas ni Judge Ryan Philipp Liao Bartolome ng  Branch 1, Municipal Trial Court Branch 1 ng San Jose Del Monte, Bulacan. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …