Tuesday , December 24 2024
NGCP ERC

Konsumers nagdurusa <br> ERC VS NGCP ‘PROXY WAR’ — BAYAN MUNA

INIHAYAG ni Bayan Muna executive vice-president Carlos Isagani Zarate na ang nagaganap na bangayan sa pagitan ng Energy Regulatory Commission (ERC) at  National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ay posibleng hindi para sa interes ng mga konsumer, sa halip ay masasabing ito’y tila ‘proxy war.’

Sinabi ni Zarate, nangunguna sa mga tunay na isyu na kailangang harapin, ang protektahan at panindigan ang interes ng mga mamimili  upang matiyak na ang rate ng koryente ay mababa at ang supply ay matatag.

Dapat din aniyang magkaroon ng ganap na pagbabawal sa cross-ownership sa mga sektor, at tiyakin na ang mga umiiral na estruktura o dummy arrangement na lumalabag dito ay mabubuwag at mapaparusahan.

“There should also be an absolute ban on cross-ownership among sectors, and ensure that existing structures or dummy arrangements violative of such are disbanded and penalized. This we believe can decisively address the problem of regulatory capture, where energy officials and regulators are seen as mere puppets of power moguls,” ani Zarate.

“Sa madaling salita, ang problema sa power industry, is that it is seen as no different from a party/live events industry. Maraming secret dummy arrangements at perceived puppet regulators. Pero no matter what, the power oligarchs end up having a party at the expense of consumer welfare!” mariing puna ni Zarate.

Aniya, sa kabila ng pagbabangayan ngayon ng ERC at NGCP, nagbabanta pa rin ang pagtaas ng singil sa koryente na ang mga konsumer ang patuloy na lalong naghihirap.

“It is high time that power companies and regulators should be real protectors of consumers and not those of business interests,” dagdag ng dating Bayan Muna solon.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …