Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jhassy Busran

Jhassy Busran, swak sa bansag na Pandemic Actress

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KALIWA’T KANAN ang blessings na natatanggap ngayon ng talented na young actress na si Jhassy Busran. Kaya naman binabansagan siya bilang Pandemic Actress.

Unang nakilala ang 16-year-old na dalagita sa short film na Pugon na nanalo siya ng ilang acting awards. Kabilang dito ang IFFM (New York) – Jury’s Best of the Best Performance of an Actress, Gully award- Best Child Actress, Ashoka International Film Festival 2021 – Best Child Artist, at WCEJA – Outstanding Lead Actress in Movie.

Last November 3, isa si Jhassy sa pinarangalan sa Gintong Kabataan Awards 2022. Napanood din namin ang production ni Jhassy sa katatapos na Cosmo Manila King & Queen sa SM Skydome at kahit walang oras masyado para mag-practice ay nagpakita ng husay at pagiging versatile rito ang dalagita.

Si Jhassy din ang brand ambassador/endorser ng Winkle Tea and Winkle Donut, kaya hataw talaga ang young actress/singer sa mga nangyayari sa kanyang career. Si Ms. Whinie Marata ang President and Chairman of Winkle Tea & Winkle Donut Trading Corp.

Ang next na aabangan kay Jhassy ay ang movie na Home I Found In You (HIFIY) na tampok ang kanilang love team ni John Heindrick Sitjar na binansagang JhasDrick. Mula sa direksiyon ni Gabby Ramos at under REMS Film, tampok din sa HIFIY sina Harvey Almoneda, Eunice Langusad, Diego, Orlando Sol, at Soliman Cruz.

Nabanggit ng young actress ang kanilang forthcoming movie.

Aniya, “Abangan po ninyo ang Home I Found In You, hindi kami puwedeng mag-spoil kung kailan ipalalabas ang movie namin, pero maipapangako namin na very-very soon ay mapapanood na po.

“Actually po, iyong FB series po namin ay isu-shoot pa lang po namin, pero part siya ng promo ng movie namin which is HIFIY. Next month if I’m not mistaken, mapapanood n’yo na po ito,” sambit ni Jhassy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …