I-FLEX
ni Jun Nardo
CONTRACT star na ng Sparkle GMA Artist Center ang member ng K-pop group na Lapillus na si Chanty Videla.
May dugong Pinoy si Chanty kaya naman gusto niyang makasama sa GMA project ang idolo niyang si Marian Rivera.
Present sa contract signing ang GMA executives na sina Anette Gozon Valdez, Gigi Santiago-Lara, Joy Marcelo, at Vic del Rosario, at MLD Entertainment CEO and producer Mr. Lee Hyoungjun.