Monday , December 23 2024
Jeric Gonzales

Jeric pinagdududahan pa rin bilang Davidson Navarro 

RATED R
ni Rommel Gonzales

TANGGAP ni Jeric Gonzales na hanggang ngayon ay may mga “doubter” o mga nagdududa sa kakayahan niya bilang aktor lalo pa nga at mabigat ang responsibilidad niya bilang si Davidson Navarro sa Start-Up PH.

 “Kasi naalala ko talaga, ang dami talagang doubters lalo na sa akin, doon sa role ko rito kay Davidson. But I took it as a constructive criticism, kasi it gave me push talaga na ma-motivate na kaya ko ‘tong role na ‘to,”pahayag ni Jeric.

Kaya naman sa umpisa ay kabado siya sa kanyang sarili kung kaya nga ba niyang bigyan ng hustisya ang malaking break na ibinigay sa kanya ng GMA Network.

Noong una ko malaman na ako ‘yung gaganap na Davidson, kinabahan ako siyempre. Bago sila mag-doubt, ako rin nag-doubt muna ako sa sarili ko, kasi napanood ko ito mismo eh, bago ko pa malaman na makakasama ako rito, napanood ko ito.

“Na-in love talaga ako roon sa kuwento, sa character and kay Nam Do-san. And ‘yung ako na ‘yung gagawa niyon, kinabahan talaga ako. Sabi ko, ‘Kaya ko ba ‘to?’, ang galing ni Nam Joo-hyuk kung paano niya ginawa ito.”

Sa Korean at original version ng Start-Up ay ang South Korean actor na si Nam Joo-hyuk ang gumanap sa papel ni Nam Do-san na siya namang karakter ni Jeric sa Philippine adaptation ng hit series.

Pero, I trusted of course GMA and the production, our bosses, [our] directors na sa akin nila ibinigay ‘to,” pagpapatuloy pa ni Jeric.

So, I trusted myself. At first nangangapa pa, siyempre kung paano ginawa ni Joo-hyuk, mahirap talaga. Pero noong nakapa ko na siya as Jeric Gonzales na atake, so I gave my own flavor.”

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …