Tuesday , December 24 2024
Dead Electricity

Live wire nahawakan
2 TRABAHADOR ‘NANGISAY’  SA FISHPOND

BINAWIAN ng buhay ang dalawang empleyado matapos makoryente habang naglilinis sa isang fishpond nitong Lunes ng hapon, 7 Nobyembre sa bayan ng Lemery, lalawigan ng Batangas.

Kinilala ang mga biktimang sina Renante Batchar, 41 anyos, tagapakain ng hipon, residente sa Brgy. Talo-toan, Concepcion, Iloilo; at Mark Anthony Bethel, 22 anyos, residente sa Brgy. Nonong Casto, sa nabanggit na bayan sa Batangas.

Nabatid sa imbestigasyon, dakong 4:00 pm kamakalawa nang lumusong ang dalawang biktima sa fishpond upang linisin ito ngunit hindi nila alam na may live wire mula sa nakalubog na electrical pump.

Idineklarang dead on arrival ang mga biktima ni Dr. Divina Gracia Landicho sa Batangas Provincial Hospital.

Nagsagawa ng imbestigasyon ang Lemery MPS habang nakatakdang isailalim sa awtopsiya ang mga labi ng dalawang biktima.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …