HATAWAN
ni Ed de Leon
NASA Pilipinas pala ngayon si Heart Evangelista, pero wala pa rin siyang statement doon sa nababalitang hiwalayan nila ni Sen. Chiz Escudero. Mas pinili pa niyang patulan ang comment ng isang basher na nagsabing mukha raw siyang butiki.
Sinabi ni Heart na “gusto ko nga iyan eh, pero mahirap. Mabuti ikaw naging ganoon ang hitsura mo without really trying.”
Mabalik tayo kina Heart at Chiz, siguro nga kung totoo mang hiwalay na sila, nagkasundo naman silang huwag nang magsalita tungkol doon. Pareho lang naman kasi silang maaapektuhan. Mas mabuti pa ngang huwag nang magsalita.
Hindi rin naman natin alam kung hanggang kailan dito sa Pilipinas si Heart, dahil oras na kailanganin na naman siya sa mga fashion show sa London at sa France, tiyak na babalik siya agad doon.