Wednesday , August 13 2025

Sige lang sa kapupuslit

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

SA KANYANG pagharap sa Senate deliberations kamakailan, ipinaubaya na ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio sa mga senador ang pagtukoy sa halaga ng intelligence at confidential funds na ilalaan sa kanyang mga tanggapan.

Mapagpakumbaba ang ginawang ito ni VP Sara. Pero kung pakaiisipin, hindi ang kanyang mga tanggapan ang tipong pinaglalaanan ng malalaking ‘intelligence funds.’

Mas humanga pa sana ako kung pinili ng Bise Presidente na isakripisyo ang mga pondong ito para ma-realign sa budget ng bansa sa pagpapatayo ng mga evacuation centers. Ang katangi-tanging desisyong ito ay malaking kaginhawaan sana sa mga pampublikong paaralan dahil hindi na maaabala ang mga klase ngayong ang mga silid-aralan ay ginagamit na pansamantalang tuluyan ng mga sinalanta ng kalamidad.

*              *              *

Ang aabot sa P5.3 bilyong pinsala sa agrikultura dahil sa pananalasa kamakailan ng bagyong Paeng ay isang trahedyang kaagad na naramdaman ng industriya at ng mga mamimili.

Sobra ang itinaas ng presyo ng gulay kaya naman kapag oorder ka ngayon ng chop suey sa restaurant, mas marami pa ang sahog na karne kaysa gulay. Gayonman, sa sitwasyong ito ay tuwang-tuwa ang mga agricultural smugglers.

Suportado ng Firing Line ang pagpupursigi ni AGRI party-list Rep. Wilbert T. Lee na amyendahan ang Republic Act (RA) No.10845 o ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016. Sakaling maging batas, sisiguruhin ng panukala niyang House Bill No. 5742 na ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno na mapatutunayang sangkot sa agricultural smuggling ay papatawan ng mas malalaking multa.

*              *              *

Tumiwalag na si Pasig City Mayor Vico Sotto sa partidong Aksyon Demokratiko, binitiwan ang kanyang posisyon doon bilang party external vice president.

Walang dudang isa si Sotto sa mga pinakahinahangaang alkalde sa bansa simula nang una siyang mahalal sa posisyon noong 2019 dahil sa kanyang pagsusulong ng mahusay at tapat na pamumuno.

Kung buhay pa sana ngayon si Senator Raul Roco, hindi marahil nag-resign si Mayor Vico mula sa partidong nakatuon sa reporma. Simula nang pumanaw ang nagtatag ng Aksyon Demokratiko, nawala na sa tuwid na direksiyon ang partido. Sa totoo lang, naiintindihan ko kung bakit ang isang politikong nagsasadiwa ng reporma na tulad ni Sotto ay aalis mula sa isang partidong dating nagsusulong ng reporma.

*              *              *

Noong nakaraang linggo, inianunsiyo ng Bureau of Corrections (BuCor), na pinamumunuan ni Gregorio Catapang, ang pagkakakompiska ng 7,000 beer-in-cans at “shabu” sa loob ng Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison (NBP) bilang bahagi ng pinaigting nilang “Oplan Galugad.”

Sa pagkakadiskubre ng sangkatutak na kontrabandong iyon, hindi maikakailang nakikipagsabwatan ang mga opisyal ng Bilibid sa sinomang nagpupuslit ng mga beer-in-cans. Maliban na lang kung ang pagpupuslit ay ginagawa nang paunti-unti dahil sa napakaluwag na pagpapatupad ng seguridad, hindi na natin kailangan ng isang napakahusay na imbestigador para malaman na ang mga ito ay ipinupuslit nang kahon-kahon.

*              *              *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

‘Sandok’ ni Imee hindi lumusot kay Atty. Princess Abante

SIPATni Mat Vicencio KUNG makapanlait itong si Senator Imee Marcos, para bang walang kapintasan. Wagas …

Firing Line Robert Roque

Kawalang hustisya, bumida sa pagkamatay ni Gelo

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. HINDI ito ang inaasahan nating kahahantungan ng pagkatalo sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

MMDA Bayanihan Estero Program, suportado ni PBBM

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAHA… baha… baha… nakita naman natin na kahit saang sulok ng …

Firing Line Robert Roque

Tiktok ang bahala

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NAKIPAGTULUNGAN ang Department of Migrant Workers (DMW) sa TikTok …

Sipat Mat Vicencio

Hoy Bato, hindi mo ka-level si Digong!

SIPATni Mat Vicencio KAHIT saan anggulo tingnan at pagbali-baliktarin man ang sitwasyon, hindi maaaring ikompara …