I-FLEX
ni Jun Nardo
INSECURE sa kanyang balat sa puwet ang award-winning actor na si Elijah Canlas kaya naman nang sabihin sa kanya ni direk Perci Intalan na may butt exposure siya sa sexy horror movie na LiveScream, nagbiro siya ng, “Puwede frontal na lang? Ha! Ha! Ha!”
Bago gawin ni Elijah ang exposure, nagpaalam siya sa kanyang parents at girlfriend na si Miles Ocampo.
“May pa-story board si direk Perci. First time kong magkaroon ng ganoon. Tapos, nakita ‘yung scene sa butt exposure. Tinanong ko kunga kailangan talaga. Very valid ang thesis defense niya about vulnerability. Napaamin ko kasi may itinatagong sikreto sa mga tao.
“May balat ako sa puwet. Mas gusto ko na lang ang frontal kaysa ipakita ‘yun. Pero hindi ako malas, huh!” paliwanag niya sa special screening ng movie.
Pero hindi naman big deal ang balat niya sa screen at hindi masyadong nahalata sa movie. Mas lamang ang husay niya sa acting at direksiyon ni direk Perci kaysa balat at puwet!
“Sobrang praning ako sa birthmark pero hindi naman nakita,” sabi pa ng aktor.
Streaming ang LiveScrean sa VivaMax Plus simula sa November 9.