Friday , November 15 2024
dead gun

Sa Cabanatuan, Nueva Ecija
TIRADOR NG MOTORSIKLO DEDO SA SHOOTOUT

NAPATAY ang isang hinihinalang motornapper matapos makipagbarilan sa mga operatiba sa lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija nitong Lunes ng madaling araw, 31 Oktubre.

Batay sa ulat na ipinadala kay PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen ng Nueva Ecija PPO, kinilala ang napaslang na suspek na si Crisanto Reyes, sakay ng isang asul na motorsiklong Rusi na target ng hot pursuit operation kaugnay sa iniulat na insidente ng pagnanakaw ng motorsiklo sa Brgy. Kapitan Pepe, sa naturang lungsod, dakong 12:30 am.

Nabatid na naispatan ng mga operatiba ng Cabanatuan CPS ang suspek sa bahagi ng Purok Centerville, Brgy. Dionisio S. Garcia.

Habang pinahihinto, pinaputukan ni Reyes ang mga pulis na napilitang gumanti na ikinasapol ng suspek at nagresulta sa agaran niyang kamatayan.

Narekober ng mga awtoridad sa pinangyarihan ng krimen ang motorsiklong sinasakyan ng biktima na walang plaka, isang kalibre .45 baril, at mga basyo at bala para sa kalibre 9mm baril. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …