Monday , December 23 2024
Kim Atienza

Kuya Kim na-trauma ‘di nakakatulog dahil sa stampede sa Itaewon

MA at PA
ni Rommel Placente

PERSONAL palang nasaksihan ni Kim Atienza ang nakapanlulumong trahedya sa South Korea na kumitil sa buhay ng mahigit 150 katao at ikinasugat ng napakaraming turista.

Nagtungo kasi roon ang team ng Dapat Alam Mo, ang news magazine show nina Kuya Kim sa GTV, para magdokumentaryo sa sikat na Halloween festivities sa Itaewon District.

Ayon kay Kuya Kim, talagang nakaka-trauma ang nasaksihan nila roon na parang panaginip lamang dahil nga inakala nilang sa pelikula lamang nangyayari ang ganoong uri ng trahedya. Mula raw nang mangyari ang stampede ay hindi na sila nakatutulog.

Kuwento ni Kuya Kim, “Noong pumunta kami roon, nangyayari na. Nasa body bag na ‘yung mga bata na namatay at inire-revive ‘yung marami sa 153 mga biktima.

“Roon sa kabilang parte ng kalye, tuloy ang party. Hindi alam ng mga bata na ‘yung nangyayari sa kabila, eh, kamatayan na.

“Sila, nagsasayawan, tuloy ang party, lasing sila. Hindi nila alam, totoo na ‘yung nangyayari sa kabila.

“Noong tinanong namin, ‘Don’t you know what’s happening?’ Aba’y ang sabi sa amin, ‘This is all part of the party. It’s all a prank!’

“Hindi nila alam na totoong namamatay na ‘yung mga bata sa kabila. And it was so surreal. Ang feeling namin ng staff ng ‘Dapat Alam Mo,’ parang panaginip.

“First time kami na nakakita ng ganoong klase ng pangyayari sa buong buhay namin. Hindi kami makatulog lahat nang gabing ‘yun,” pagbabahagi pa ng TV host.

Kasunod nito, inisa-isa ng Kapuso TV host ang klase ng stampede. Una ay ang fast stampede na nagtatakbuhan ang mga tao.

Ikalawa ay ang tinatawag na crowd crush. 

Dito hindi makagalaw ang mga tao sa harapan habang parami nang parami ang mga tao sa likuran.

Aniya, ang nangyari sa Itaewon ay ang tinatawag na crowd crush na naipit at nadaganan hanggang sa mawalan ng hininga ang mga tao sa harapan.

Dahan-dahan silang nawalan ng hininga, inatake sa puso. Kaya ang na-witness namin noong isang gabi, talagang napakaraming kabataan ang binibigyan ng CPR ng medical staff na dumating.

“Siguro mga 20 ambulansya ang nakita namin at nakita namin kung paano binawian ng buhay ang mga kabataan sa isang masaya sanang event sa Itaewon.

“Ang nakita namin, eh patong-patong na katawan. ‘Yung mga nasa ilalim, talagang nabawian na ng buhay.

“At ‘yung mga bandang nasa ibabaw, hinihila ng mga pulis para ma-revive. Hindi nila mahila dahil naipit nga ng compressed ng mga tao.

“Actually, noong nangyari ‘yun, patuloy pa rin ang pasok ng mga tao sa likod ng eskinita.

“Hindi nila alam na wala nang daraanan at namamatay na ang mga tao sa harap ng eskinita,” pagdedetalye pa ni Kuya Kim.

About Rommel Placente

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …