Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Liza Soberano, Enrique Gil, Lizquen

Enrique susundan si Liza saan man pipirma ng kontrata

MA at PA
ni Rommel Placente

SA Showbiz Update vlog ni Ogie Diaz sa YouTube, sinabi niya na pipirma lang ng kontrata si Enrique Gil sa isang network, na pipirma rin ang  dati niyang alaga na si Liza Soberano.

Hindi binanggit ni Ogie kung saang network pipirma ang magka-loveteam at magkarelasyon.

Nag-lapse na ang kontrata ni Enrique sa ABS-CBN noong September. So pwedeng mag-offer ang GMA 7 or pwedeng i-renew ng Kapamilya Network ang kanyang kontrata.

Sabi ni Ogie, “Ready siya (Enrique) for pitching. ‘Yung pitching na sinasabi ay mag-offer kayo sa akin kung ano ‘yung puwedeng teleserye o pelikula na gagawin ko. Kung magustuhan ko, okay ako at payag ako. Go! ‘Pag hindi niya gusto hanap ulit ng story line para i-pitch sa kanya.”

Dagdag niya, “Ang alam ko, ayaw muna ni Quen na pumirma kahit saang network parang feeling ko, kung saan pipirma si Liza Soberano, roon siya pipirma. Kung pipirma si Liza, ha?”

Sabi naman ni Mama Loi, co-host ni Ogie sa vlog, “Eh, paano ‘yun, Nay, si Liza, roon pumirma sa U.S.? So, mag-U.S. na rin kaya si Quen?”

Sagot ni Ogie, “Hintayin natin Loi kasi ang alam ko nasa U.S. si Enrique, ‘yun ang alam ko, ha. Parang paborito na nila ni Liza ‘yung Hawaii, eh.”

At parang mas gusto ng dalawa na maging freelancer na muna.

Iyan ang hindi natin alam. Pero for now, hindi pa ready pumirma si Quen kahit saang network, ganoon din si Liza. Parang gusto nila per project basis. Freelance,” ani pa ni Ogie.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …