Friday , November 15 2024
BARMM DPWH

DPWH district office sa BARMM kinatigan 

UMANI ng malaking suporta ang panukala ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na magbuo ng district office ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) matapos ang napakalaking pinsala sa rehiyon dulot ng bagyong Paeng.

Ayon kay Basilan Rep. Mujiv Hataman napakaraming daan at tulay ang napinsala sa pananalasa ng nakaraang bagyo, at marami rito ang hindi madaanan, bagay na nagpapahirap sa pagpapadala ng tulong sa mga mamamayang nasalanta ng kalamidad.

Binigyang diin ni Hataman, ang kahalagahan ng pagtatayo ng isang tanggapan ng DPWH sa BARMM na mangangasiwa hindi lamang sa pagkumpuni ng mga damaged infrastructure dulot ng bagyong Paeng, kundi pati na rin sa patuloy na implementasyon ng national projects na pinopondohan ng pamahalaan.

Noong nakaraang Kongreso, nag-file ang kongresista, kasama ang BARMM representatives ng isang resolusyon na humihiling magtayo ng National DPWH office sa BARMM.

Ito ay nakapaloob sa Resolution No. 333 na inihain kasama sina Datu Roonie Sinsuat Sr., at Esmael Mangudadatu ng Maguindanao, si Munir Aribson ng Sulu, si Rashidin Matba ng Tawi-tawi, si Yasser Balindong at Ansaruddin Adiong ng Lanao del Sur, at si Amihilda Sancopan ng Anak Mindanao, na pawang mga kinatawan sa 18th Congress noon.

“Nakita na natin noon na may kahirapan ang implementasyon ng national infrastructure projects sa BARMM dahil sa kawalan ng national office ng DPWH dito. Sayang lamang at hindi naisabatas o nagawa ang nilalaman ng ating resolusyon noon,” aniya.

“Isang praktikal na mungkahi ang pagbubuo ng district engineering office ng DPWH sa bawat lalawigan ng BARMM upang mapangalagaan ang mga pambansang daanan o national highways, kaya ito isinulong ng mga Bangsamoro representatives noong 18th Congress. Dahil iniiwasan natin na magturuan kung sino ang mangangalaga ng mga kalsada pagdating ng panahon,” ayon sa kongresista.

Hiniling ni Hataman sa 19th Congress at sa administrasyon ni Pangulong FM Jr., na ituloy ang pagtatayo ng DPWH District Engineering Offices sa bawat lalawigan ng BARMM para sa mga ganitong pagkakataon na kailangang magpatupad ng mga national projects sa BARMM, pangalagaan ang mga national roads and highways, at para sa mabilis na pag-responde sa ganitong mga pagkakataon.

“Para ito sa ikagiginhawa ng nga mamamayan sa Bangsamoro at sa ikauunlad ng ating rehiyon,” ani  Hataman. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …