Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Danny Javier

Pagiging composer/songwriter kahanga-hanga
DANNY JAVIER MAHIRAP MAKALIMUTAN

HATAWAN
ni Ed de Leon

TALAGANG parang humabol pa sa Undas si Danny Javier.

Mapayapa naman siyang yumao noong Oktubre 31 ng hapon sa edad na 75, dahil na rin sa nagkapatong-patong na komplikasyon ng kanyang mga sakit. Ilang araw lang ang nakararaan, naikuwento pa ng kanyang kaibigang si Boboy Garovillo na medyo delikado na ang kanyang tayo, dahil nagsisimula nang magkaroon ng multiple organ failure. Tapos nanawagan din si Richard Merck nang mas marami pang panalangin para kay Danny. Sa kabila ng lahat, sila ay umaasa na mas hahaba pa sana ang buhay niyon.

Si Danny ay hinangaan din namin, hindi bilang singer, kundi bilang isang composer-song writer. Kagabi nga pagdating namin sa bahay, muli naming pinakinggan ang mga ginawa niyang awitin, iyong Ewan, Kabilugan ng Buwan, Pumapatak ang Ulan, at Mahirap Magmahal ng Syota ng Iba. Isang henyo lang ang makagagawa ng ganyang mga awitin at marami pa siyang ginawang iba.

Si Danny ay record producer din noong araw. Siguro hindi alam ng marami na noong araw nakipag-collab sila kay Willy Cruz sa pagpapatakbo ng Jem Records, na siyang nagpasikat naman kay Hajji

Alejandro at maraming iba pang singers.

Napakaraming kuwento tungkol kay Danny na siyang dahilan kung bakit naging makulay din ang kanyang buhay. At sa totoo lang, sa grupo nila noon ay maraming nagkaka-crush na babae kay Danny.

Iyan ding APO, ang unang ibinangga ng ABS-CBN sa mataas na ratings ng show ni Kuya Germs noon sa GMA. Tapos noong umalis ang Eat Bulaga sa ABS-CBN at lumipat sa GMA, iyong APO rin ang ibinangga sa kanila. Roon, hindi na nakadikit ang APO, at wala nang naipanlaban talaga ang ABS-CBN sa Eat Bulaga.

Ngayon wala na si Danny. Hindi na mangyayari ang inaasahan ng iba na reunion concert ng APO. Wala na ring kasunod ang mga magaganda niyang kanta. Pero iyong naiambag lang niya sa industriya ay sapat na. Mahirap malimot si Danny Javier.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …