Monday , December 23 2024
Jomari Yllana

Jomari Yllana balik-car racing at acting

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

AMINADO si Jomari Yllana na hindi pa rin nawawala ang excitement sa tuwing nangangarera siya ng kotse. Bagamat natigil siya ng kung ilang taon sa pangangarera, lalong nadaragdagan ang gigil niya sa paghawak ng pangarerang kotse.

Ani Jomari nang makausap namin ito sa paglulunsad ng rally/race event, ang Paeng Nodalo Memorial Rally sa Dapo Restaurant, sinabi niyang bukod sa excitement kasama ang preparation at commitment, set-up o pagbuo ng funding, sponsorship at pagbuo ng awto sa nilu-look forward niya sa mga ganitong pagkakataon.

“Andoon ‘yung kaba at mas nakakakaba kapag mas marami ang nagsu-support kasi kung wala (nagsu-support) responsibilidad ko lang at ng racing team. The more na pumapasok na nagsu-support at dumarami sila, mas kailangan mong mag-perform kasi may mga nag-i-invest. At ‘yung excitement hindi iyon nawawala. It’s a very competitive sports. Kapag sinabing karera iba ehm,” paliwanag ni Konsi Jomari nang humarap ito sa amin kamakailan kasama ang ‘the one’ niyang si Priscilla Almeda

Paliwanag ni Jomari, iba itong Paeng Nodalo Momorial Rally. “Iba itong rally event, totally different sa kung ano ang ginagawa ko in the past. Ito time trials, mountaneous area, bundok, Subic naval magazine yung location, tatlong daylight na stages and then pitong night stages naman. Mag-i-starts kami ng hapon at matatapos madaling araw kinabukasan kaya it involves a lot of preparation,” sambit pa ng aktor nanasa 24 competitors na ang sumali habang kausap namin siya.

Kitang-kita pa rin kay Jomari ang kasabikan sa pagsabak sa racing circuit, kaya natutuwa siya na nabuo ang rally/race event na Paeng Nodalo Memorial Rally. Magaganap ito sa November 5-6 sa Subic Bay Freeport. Ang race na ito ay tribute kay Paeng Nodalo, isa sa country’s pillars sa motorsports at nasa likod ng legendary na Mabuhay Rally.

Si Jomari na nasa ika-ikatlong term na bilang konseha ng Paranaque City, ay ang unang Filipino na naka-score sa podium finish sa Yeongam International F-1 circuit sa South Korea noong 2014. Isa rin siya sa top three winners sa Super Race Round 8 Championship, Accent One category na binubuo ng mga top racer mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ang kanyang racing team na Yllana GTR ay ang una ring Filipino racing team na nanalo sa naturang event.

“Mabuhay ang Philippine Motorsport! Mabuhay ang Pilipinas! Para sa bawat Filipino, saan man sa mundo!” ani Jomari  na hindi rin naman madali ang pinagdaanan sa pangangarera. Matindi ang hinrap na pinagdaanan ni Jomari, na isang taon na nag-training bago sumabak sa tunay na karera, ang Super Race championship.

Joining it was a dream come true for me, winning in my event was a bonus,” pagbabalik-tanaw ni Jomari.

Unang nagwagi si Jomari sa Philippine National Touring Car Champion Driver noong 1996 bilang Rookie of the Year (1st runner up, Toyota Corolla Cup); Runner up at  Champion driver sa Philippine National Touring Car Championship para sa Toyota Team Toms, 1997-2001; at Runner up sa Philippine Grand Touring Car Championship, 2014-2015 (Yllana Racing Team).

Nakiisa rin ang sariling motorsports outfit ng aktor, ang Yllana Racing, bilang siya ang team principal sa Philippine Grand Touring Car Championship noong 2013.

Ani Jomari, open sa lahat ang kanilang memorial rally at ine-encourage niyang sumali sa sanction governed ng official racers ang mga mahihilig sa karera. “Huwag na tayong kumarera sa kalye, tigilan na natin ang mga dangerous stunt sa kalye na napakadelikado. I encourage lalo na ‘yung mga mahihilig na kabataan to go to a motorsports pero pasukin nila ‘yung level ng professional at governed and legal sanctioned ng karera.”

Ukol naman sa kanyang anak na si Andre na hilig din ang pangangarera, sinabi ni Jomari na nasa level ng drag racing ito gusto nang mag-level-up. 

“Hindi ko naman siya inimpluwensiyahan dahil magastos itong sports na ito. Ang itinuturo ko sa kanya ‘yung how to get the support, how to set up the team, professional level

Pero hilig din talaga niya. But, I tell him racing isn’t just a hobby. You have to be a professional to make it work.”

Bukod sa car racing, balik-akting din si Jomari at mag-uumpisa na siyang mag-syuting sa December na gaganap siyang politiko sa serye ni Erik Matti, na pang-international release.

“More excited and kinakabahan ako sa pagbabalik-acting,” pag-amin ni Jom. “Ang importante lang d’yan kung nakakamemorya pa tayo, pero excited ako,” sambit pa ng konsehal/aktor.  

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …