Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Liza Soberano, Enrique Gil, Lizquen

Enrique ayaw patali saan mang network

HATAWAN
ni Ed de Leon

WALA naman daw palang planong patali sa isang network si Enrique Gil kaya ganoon. Umaasa siyang magbabalik pa rito ang syota pa nga ba niyang si Liza Soberano? At kung saang network pupunta si Liza, roon din siya.

Siguro more or less, tanggap naman ni Enrique ang katotohanan na tumaas ang kanyang popularidad dahil sa love team nila ni Liza, at ayaw niyang subukang humiwalay sa ngayon. Nagkataon nga

lang na napakataas ng pangarap ni Liza kaya nagpa-manage kay James Reid. Eh kung sa career niya mismo walang magawa si James, kaya siguro umaasa si Enrique na magbabalik pa ang kanyang syota, maliban kung may makakuha iyon ng malakas na manager sa US, na kahit na sa mga off Hollywood o mga indie roon, maipasok naman siya.

Kung may mga kondisyon man si Enrique na sinasabi ng iba na “malabong mangyari,” iyon ay para lang sabihin niya na hindi pa siya handa, o ayaw niyang magpatali sa kahit na anong network, hanggang walang definite decision si Liza.

O eh hindi ba naman?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …