Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tera

Tera nagpa-sample ng talento,  nagpasabog sa launching

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAGPATIKIM ng husay at talento ang newbie singer na si Tera sa naging launching nito recently na ginanap sa Ballroom ng Seda Hotel.

Sa naturang press launch, ipinakita ng dalaga ang kanyang galing bilang pop artist.

Dito’y nagpa-sample rin siya sa pagkanta ng kanyang latest single mula sa music video na Higher Dosage, isang awit na tumatalakay sa pinagdaraanan na pagsubok sa buhay ng bawat indibidwal.

Bukod sa Higher Dose, kabilang din sa single niya ang mga awiting “Sa Dilim” at “Façade.”

Multi-talented pala itong si Tera, aside sa singing at songwriting, marunong siyang tumugtog ng piano, guitar, at ukulele kaya masasabing isa talaga siyang impressive na all-around artist.

Nakabibilib ang kanyang musical background dahil nag-aral siya ng master class in mixed voice techniques kay Monet Silvestre, piano sa Yupangco Music Academy, at kamakailan ay naging coach niya si Alfred Samonte sa Madz Studio.

Si Tera ay isa rin sa composer na lumikha sa isa sa mga kanta ng all-female pop group na Calista.

Actually, naaalala namin si Tera na isa sa special guests sa concert noon ng Calista na ginanap sa Araneta Coliseum.

Anyway, bakit ba Tera ang ginamit niyang screen name? Ang Tera raw ay may kahulugan na Earth na hango sa salitang Latin.

Si Tera ay bagong talent ni Tyronne Escalante ng Tyronne Escalante Artist Management o TEAM.

Hindi nagkamali ang Tyronne Escalante Artist Management na makipag-join forces sa Merlion Events Production Inc., para patakbuhin ang musical career ni Tera.

Guest performer ni Tera sa kanyang launching ang Kapamilya actor na si JM de Guzman. Nag-duet pa ang dalawa sa pasabog na show.

Nabanggit din na sobrang napabilib si JM sa distinct musicality ni Tera lalo nang inawit nito ang kanyang viral music video na Higher Dosage.

Incidentally, ang first single ni Tera titled Higher Dosage ay siya rin ang sumulat.

Lahad ng talented na singer/songwriter, “Higher Dosage is a song I wrote in 2019. No matter what your age, gender, or nationality is, everyone has a struggle that they’re enduring. This song reflects that darkness.”

“This is a dream come true for me. I grew up watching live concert CDs of Michael Jackson and Beyoncè who both shaped me as a performer.

“Even as a child, I would perform for people and ever since then, I just never got tired of sharing my craft. Ultimately, I hope that people would relate to my songs and be blown away by my performances,” masayang pahayag ni Tera.

Si Tera ay karagdagan sa roster of talents ni Tyronne James Escalante na kinabibilangan nina Jane de Leon, Kelvin Miranda, Vance Larena, Angel Guardian, Calista, at iba pa.

Nagpahayag din ang dalaga ng kagalakan sa all-out na pagsuporta sa kanya ng buong pamilya niya sa ginanap na very successful media launch nito.

Kung patuloy na maaalagaan ang career ni Tera, malalaman natin kung mapapabilang nga ang dalaga bilang next important artist/singer para sa taong 2023.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …