Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sam Milby Beautéderm Health Boosters REIKO KENZEN

Sam sa pagpo-propose kay Cat: Hintayin n’yo lang, she’s the one

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INAMIN ni Sam Milby na si Catriona Gray na ang the one para sa kanya at hindi na rin naman siya bumabata para hindi maisip na magpakasal. Pero ayaw pa niyang i-reveal kung kailan ba siya magpo-propose dahil mawawala nga naman ang surprise element kapag ipinaalam na niya sa publiko.

Sa paglulunsad ng Beautederm kay Sam bilang brand ambassador ng Beautéderm Health Boosters Effervescent Tablets noong Sabado sa Luxent Hotel nasabing ng aktor/singer na, “I do believe so. I do that she’s the one for me. 

Sam Milby Catriona Gray

“Siyempe, hintayin n’yo lang (proposal), masu-surprise rin kayo,” aniya pa.

Weird nga namang ipaalam niya agad kung kailan niya gagawin ang proposal. “I’m not getting any younger also, siyempre. I’m turning 39 next year,” natatawa pang sabi ng aktor. 

Matagal na naming kilala si Sam at parang hindi nagbabago ang hitsura niya. Sa totoo lang lalo siyang  gumagwapo, halatang masaya ang kanyang buhay pag-ibig. Fresh na fresh din ang hitsura at tila hindi tumatanda. 

Pero aminado si Sam na kailangan din niya ng health boosters na mapanatili ang ganda ng pangangatawan at pagiging healthy. At tamang-tama ang Beautéderm Health Boosters Effervescent Tablets, bagong line sa ilalim ng REIKO at KENZEN at kinabibilangan ng tatlong bagong produkto na developed at manufactured sa Japan, ang Reiko ShiroSan, isang first grade dietary supplement, Kenzen YasaiDes isang dietary superfood supplement na mayroong Vitamin E at tomato extract, at ang Kenzen MizuPlus, isa ring dietary supplement na mayroong Green Tea extract at magnesium.

Sam Milby Beautéderm Health Boosters REIKO KENZEN

“I am honored and grateful now that I am finally a part of Beautéderm’s amazing family,” ani Sam. “Through the years, I learned the importance of maintaining a healthy lifestyle because of the challenging lifestyle that I have as an actor which could affect the wellbeing of both my mind and body. Kailangan kong siguraduhin na I’m always in the best physical condition through regular exercise and the right diet coupled with the right amount of sleep. Perfect na partner para sa akin ang Beautéderm Health Boosters Effervescent Tablets para masiguro ko na lagi akong healthy at fully charged all the time.”

Natatawan naman kami dahil kitang-kita namin ang pagkakilig at saya ng Beautéderm President and CEO na si Rhea Anicoche-Tan kay Sam dahil katwiran niya ang actor ang best choice para kumatawan sa pinakabagong mga produkto sa ilalim ng Beautéderm Health Boosters.

Sam Milby Rhea Tan

“The line-up of Beautéderm’s A-list brand ambassadors could never be complete without Sam. I have always admired his body of work at happy na ma-discover na ang saya at ang gaan pala niyang katrabaho,” sambit ni Rhea. “Dapat gayahin ang lifestyle ni Sam dahil sa kanyang disiplina at professionalism. He lives a balanced and healthy life which makes him the perfect artist to represent Beautéderm Health Boosters Effervescent Tablets.”

Rhea Tan
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …