I-FLEX
ni Jun Nardo
CLONING ang konsepto ng bagong afternoon series ng GMA Network na Unica Hija na magsisimula sa November 7.
Biggest break ito sa Kapuso artist na si Kate Valdez na dalawa ang katauhan– isang human at cloned character.
Para sa leading man na si Kelvin Miranda, “Okey na ipakita natin ito para malaman nila ang proseso. Nag-iingat kami. Science kasi ito. Cloned ka man o hindi, walang pagkakaiba.”
Masusing pag-aaral, research ang ginawa ng creative at production team para maihatid ang tungkol sa cloning.
“Hindi lang science ang gusto naming ipakita. Madaling maging tao pero mahirap magpakatao. Isa ‘yon sa ipakikita namin sa series,” sabi ng director ng series.