Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zeinab Harake Robi Domingo Wilbert Tolentino

Robi may ‘patama’ kay Zeinab—Akala mo lang wala, pero MERON, MERON, MERON! 

MA at PA
ni Rommel Placente

DAMAY si Robi Domingo sa nangyayaring bangayan ngayon kina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino.  Sa pagsasalita kasi ni Wilbert via Facebook Live, inilabas niya ang screenshot messages umano sa kanya ni Zeinab noong maganda pa ang kanilang samahan.

Hiningan kasi ni Wilbert ng payo si Zeinab tungkol sa mga artistang nais maka-collab ng talent manager. Kabilang dito sina Ivana Alawi, Alex Gonzaga, Sanya Lopez, at Robi.

Mababasa sa screenshots na ibinulgar ni Wilbert na hindi magaganda ang mga sinabi ni Zeinab ukol sa mga artistang ito, katulad ng kay Robi.

Ito ang sinabi ni Zeinab ukol kay Robi (published as is): “wag ung robi domingo ha walang market dun maloka ka dun shhh lang.”

Nakarating kay Robi ang sinabing ito ni Zeinab sa kanya. At sa kanyang Twitter account ay may  cryptic tweet ang TV host.

Oh wow. How true?” tweet ni Robi, na nilagyan pa nito ng makahulugang emojis.

Sinundan pa ito ni Robi ng mas malamang post sa Instagram at Twitter.

INi-repost niya ang larawan ng gusali ng isang public market.

ROBI DOMINGO PUBLIC MARKET,” sabi sa edited signage.

Ang caption dito ni Robi: “Akala mo lang wala, pero MERON, MERON, MERON! [crying emojis]” na dialogue ni Carlo Aquino kay Vilma Santos sa movie nila noon na Bata, Bata, Paano Ka Ginawa, na gumanap sila rito bilang mag-ina.

Malinaw na sarkastikong reaksiyon ito ni Robi sa pahayag ni Zeinab na wala siyang market.

In fairness naman kay Robi, may market siya, huh! In fact, milyon ang followers niya sa kanyang Instagram at Twitter account.

Nang makarating kay Zeinab ang reaksiyon ni Robi ay humingi siya ng sorry dito, na idinaan niya sa kanyang social media account. Pero wala pang reply si Robi. 

Halatang nasaktan siya sa sinabi ni Zeinab laban sa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …