Sunday , December 22 2024
LTFRB bus terminal

LTFRB magpapakalat ng dagdag na 615 bus units sa Undas

MAGPAPAKALAT ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng karagdagang 615 units ng bus upang matugunan ang inaasahang pagdagsa ng mga commuter sa mahabang holiday weekend ng Undas.

Sa isang public briefing nitong Martes, sinabi ni LTFRB Technical Division chief Joel Bolano, binuksan ng ahensiya ang aplikasyon sa special permits para sa mga out-of-line na operasyon nitong 3 Oktubre 2022.

“Nagkaroon ho tayo ng karagdagang units. Ito po ay ilalabas daw ng board. May 256 application tayo nag-complement po sa 615 units additional doon po sa mga regular bus routes natin,” pahayag ni Bolano.

Ang mga karagdagang bus ay itatalaga sa mga lugar kung saan may inaasahang pagdagsa ng commuters sa paggunita ng All Saints’ Day o Undas holiday.

Ayon kay Bolano, ibibigay ang special permit para sa mga out-of-line operations sa Biyernes.

Aniya, magsasagawa rin ang ahensiya ng mga inspeksiyon sa integrated terminal exchanges at magtatayo ng one-stop-shop help desk sa mga pangunahing terminal.

Makikipag-ugnayan aniya ang LTFRB sa iba pang ahensiya ng gobyerno tulad ng mga lokal na pamahalaan, Philippine National Police (PNP), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Land Transportation Office (LTO), at iba pa, para sa pagkakaroon ng maayos at mapayapang paggunita ng Undas. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …