Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathniel 2G2BT Daniel Padilla Kathryn Bernardo 

Daniel at Kathryn ‘di inakalang tatangkilikin ang 2G2BT, fans ipina-e-extend

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

AMINADO si Daniel Padilla na hindi niya inakalang tatanggapin ng netizens ang kanilang show na 2 Good 2 Be True nKathryn Bernardo na madalas pang number one sa Netflix at most watched series din sa IWantTFC.

Ani Daniel, natakot siya noong una na baka hindi kagatin ng publiko ang kanilang comeback series. Hindi niya inakala na tatangkilikin pa rin sila ng manonood.

“Hindi ko inakala na tatanggapin ng ganito ang show namin na sobrang init kasi we have done many shows together,” saad niya.

Sa huling tatlong linggo ng serye, sinabi ni Kathryn na kahit pa maganda ang itinatakbo ng serye ay tamang timing lang ang kanilang pagtatapos.

“As much as we want to extend it kasi may ganito kami kagandang show, every story talaga kailangan mag-end. So itong run namin, nakita lahat ‘yung journey ng characters pati flashbacks at back story na tinahi sa present time,” kuwento ni Kathryn. “You just watch the finale, and you’ll see what I’m saying. It’s enough,” dagdag pa ng aktres. 

Sinabi pa ni Kathryn na hindi rin niya inakala na over the years mabubuo nila ang matatag na relasyon.

Sinabi naman ni direk Paco Sta Maria, hindi niya inakalang sa pagma-matured ng KathNiel mas maggo-grow pa ang mga ito sa kanilang craft. Nakilala at nakatrabaho na kasi siya niya ang dalawa noong mga bata pa ang mga ito. “Ngayon collaborative na sila at nakita ko how they bloom and grow kaya very fortunate na nakatrabaho ko uli sila.”

“Marami pa pala silang maibibigay pa na after 11 yrs akala ko nasimot mo na pero ang dami pa palang maibibigay,” sabi naman ni direk Mae Cruz Alviar. “And iba ‘yung naibibigay nila simple pero mas napagaganda pa nila. Talagang they have so much more pa na they can give.”

Kahit si Ronaldo Valdez na gumaganap na si Don Hugo o si Lolo sir ay hindi inakalang ganoon kagaling ang KathNiel. Kinikilig pa nga siya sa mga ito. “At swak na swak ang team nila ‘pag napapanood ko mga eksena nila kinikilig ako. Napakaganda pala ng show, ang ganda ng script, ng linya. Naaapektuhan kami sa lines, ang gagaling ng script writers.”

Pinuri rin ni Mel del Rosario ang KathNiel at sinabing sobrang involve ang dalawa para lalo pang mapaganda ang materyales. Tinawag din nitong thinking actors sina Daniel at Kathryn. “Dami nila naiisip. Dami nila inputs and kilala nila ang mga karakter nila. Actually mahirap din na matalino mga artista dahil ang dami nilang naibibigay na inputs, ha ha ha.”

Samantala, napagtanto na nina Eloy (Daniel) at Ali (Kathryn) na pinaikot lang sila ni Helena (Gloria Diaz) nang ipalabas nitong biktima rin siya sa 2 Good 2 Be True

At sa huling episode, agad na nagsuspetsa si Ali kay Helena matapos nilang malaman ang sinabi ng Japanese investor kay Eloy na ito ang nagbigay ng impormasyon tungkol sa kaso ng binata.

Napagtagpi-tagpi ni Ali na posibleng si Helena mismo ang sumaksak sa sarili at hindi si Ramon dahil sa direksiyon ng pagkakasaksak nito at sa lalim ng mga sugat.

Kahit naman patuloy ang banta sa buhay nilang dalawa at ni Hugo, hindi naman tinitigil ng magkasintahan ang pagtupad sa kani-kanilang mga pangarap.

Napagtagumpayan ni Eloy na makuha ang loob ng Japanese investor para sa planong tulungan ang mga naagrabyado nilang mahihirap habang nakapasok naman si Ali sa medical school para matupad ang ambisyon niyang maging doktor.

Mula sa mala-aso’t pusang relasyon nina Ali at Eloy hanggang sa maging magkasintahan, sabay nila ngayong haharapin ang pagsubok na dala ni Helena.Sa huling tatlong linggo ng programa,makamit kaya nila ang inaasahang mapayapang buhay para ipagpatuloy ang kani-kanilang mga pangarap?

Nanatiling most-watched series ang 2G2BT sa Netflix PH at hindi naman din ito naaalis sa Top 10 shows ng iWantTFC simula noong Mayo. Bukod sa pagtre-trending ng mga nakakikilig nilang eksena, labis din na napag-usapan at umani ng mga papuri sa pagpapakita ng programa ng F.A.S.T method at CPR na nakatulong sa ilang netizens sa emergencies.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …