Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sunshine Cruz Cesar Montano

Sunshine buntis at papakasal muli kay Cesar: fake news

MA at PA
ni Rommel Placente

BUNTIS si Sunshine Cruz. Ito ang kumakalat na tsismis sa YouTube, buntis daw ngayon si Sunshine sa dati niyang mister na si Cesar Montano. Bale ito raw ang pang-apat na anak nila ng action star.

At dahil nagdadalantao, magpapakasal daw muli ang dalawa.

Kalat na ang nasabing videos sa YouTube at daan-daang libo na rin ang mga nakapanood nito.

Sa kanyang official Facebook page, ibinahagi ng aktres na may mga bumabati sa kanya dahil sa umabo’y pagbubuntis at nalalapit na pagpapakasal niya.

Kahit wala itong katotohanan, may mga naniniwala sa nasabing balita.

Post ni Sunshine sa kanyang FB account,“FAKE NEWS! I’ve been sent a few videos about this fake news spreading and nagtataka nga ako na may mga bumabati at congratulate sakin.

“Since meron pa ring napapaniwala and as respect sa partner at bagong pamilya ni Cesar, gusto ko sabihin na wala pong katotohanang buntis ako at magpapakasal sa aking ex-husband.

“#fakenews”

O ayan, nilinaw na ni Sunshine na walang katotohanan na nabuntis siya ulit ni Cesar at magpapakasal sila uli.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …