Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ria Atayde Arjo Atayde Sylvia Sanchez Art Atayde

Sa paggawa  ng movie at serye
ARJO NANINIWALANG KAYANG MAKIPAGSABAYAN NG MGA PINOY

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MALAKI ang kompiyansa ni Arjo Atayde sa galing ng mga Pinoy kaya nasabi nito nang magtungo sa MIPCOM Cannes n kayang makipagsabayan ng Pilipinas sa ibang bansa sa paggawa ng pelikula at teleserye.

Dumalo ang aktor/kongresista sa MIPCom Cannes para sa international premiere ng kanyang movie series na Cattleya Killer na ipinrodyus ng ABS-CBN at ng kanilang Nathan Studios.

Nakasama niya roon ang mga magulang na sina Sylvia Sanchez at Art Atayde at ang kapatid na si Ria bilang mga representative ng Nathan Studios.

Kasama ni Arjo sa proyekto sina Jake Cuenca, Christopher de Leon, at Zsa Zsa Padilla.

Ani Arjo nang kapanayamin ng Star Magic, “Kayang makipagsabayan ng mga Pinoy. We’re here now in Cannes doing that. We have to step forward.

“We have to move forward. There’s so many things we have to consider to be able to move forward and keep up with the other countries.”

Nalaman naming naiyak si Arjo habang nagpapasalamat sa audience pagkatapos ng screening ng Cattleya Killer. Hindi akalain ni Cong Arjo na magiging matagumpay at marami ang tayangkilik ng kanilang screening.

Anang Kongresista, “More than individual interests, it is really to represent the Philippines.

“We will continue to inspire to bring out the message. This is such an experience. We dedicate this to all Filipinos.

“This is for ABS-CBN. This is for all OFWs, all the Filipinos.

“It is so inspiring to see such people who seek for different stories, different cultures. But at the same time, we all fall in one place which is here in MIPCOM because we all have the same passion and all the same love for this industry,” aniya.

Layunin ng pagpapalabas ng pilot episode ng six-part series na Cattleya Killer sa  MIPCOM Cannes ay para mahikayat ang mga industry decision makers para  sa global distribution partner.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …