Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

P .1-M shabu kompiskado
‘JOKING’ TIMBOG SA BUY-BUST OPS

NAKUHA ang mahigit sa P149,600 halaga ng shabu sa isang 32-anyos tulak sa isinagawang  buy-bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Lt. Joel Madregalejo, Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief ang suspek na si Jun-jun Setazate, alyas Joking, residente sa Brgy. Mapulang Lupa ng nasabing siyudad.

Sa pakikipag-ugnayan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), SDEU team dakong 4:00 pm, isinagawa ang entrapment operation laban sa suspek.

Batay sa ulat ni P/Col. Salvador Destura, Jr., hepe ng Valenzuela City, nakuha sa suspek ang 22 grams ng shabu, isang P500 buy bust money, budol money na halagang P8,000 at P200 cash.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.” (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …