Thursday , January 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Toni Gonzaga

Toni milyon ibinayad ng bagong network: ‘Di lang naman sila ang nag-offer

I-FLEX
ni Jun Nardo

BINIBILANG na ni Toni Gonzaga ang blessings na dumarating sa kanya at pamilya sa halip na pagtuunan ng pansin ang mga basher, hater at galit sa kanya.

Nagsimula ito nang ihayag ni Toni ang lantarang suporta niya sa ninong nila ni direk Paul Soriano kay Pangulong Bongbong Marcos.

Basta alam mong nagdesisyon ka galing sa puso mo at may peace in your heart, sapat na ‘yon sa akin at hindi na pinapansin ang sinasabi ng iba,” pahayag ni Toni.

Itinanggi naman niyang Reynang-Reyna siya sa Villar Network.

Marami kami,” saad niya.

Ang reality-talk show niyang Toni Talks ang unang show ni Toni sa ALLTV.

Eh ‘yung tsismis na milyon-milyon ang bayad sa kanya?

Lahat naman magsasabi ng ganoon once lumipat ka sa ibang network. Hindi lang naman sila ang nag-offer sa akin.

“Sa palagay ko, ginawa nila ang lahat para makapagdesisyon ako na galing sa puso ko,” rason ni Toni.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …