SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
NATAWA si Ian Veneracion nang sabihing mala-Liam Neeson ang bagong action series niyang One Good Dayng Studio Three-Sixty at sinabing, “Mas bata naman ako! Ha-hahaha!
“Actually mala-John Wick (ni Keanu Reeves) at saka si Liam,” ani Ian na after how many years ay ngayon lamang uli gagawa ng action movie.
Pero iginiit ng actor na hindi naman siya nanibago sa mga stunt na ginawa niya dahil regular siyang nag-e-exercise kasama pa ang martial arts, basketball, soccer, badminton, paragliding at iba pa.
Pero pinaalalahanan siya ng mga anak sa paggawa ng action at sinabing hindi na siya 25 years old.
“Actually, we wanted to level up the quality of action film, action series here in the Philippines, so, we wanted to catch up among our savor neighbors because for us the only way we can grow or we can survive as industry is to attract more viewers in our film or series,” sabi naman ng direktor na si Lester Pimentel Ong.
Bukod sa Pilipinas na mapapanood simula November 17 sa Amazon Prime Video mapapanood din ang One Good Day sa mga Thailand, Indonesia, Malaysia, Vietnam, Myanmar, Laos, Cambodia, at Taiwan.
Sa loob ng 40 taon, matagumpay na napatunayan ni Ian na isa siya sa pinakamagaling at hinahangaang aktor sa Philippine showbiz. Nag-umpisa ang karera niya sa pagiging child at teen actor at pagkataan ay nakilala bilang isang action star noong ‘90s at early 2000s. Ilan sa kanyang mga nagawa ay ang Zaldong Tisoy, Halang Ang Bituka, Sgt. Bobby Aguilar: Isa Lang Ang Buhay Mo, Ben Balasador: Akin ang Huling Alas, Bastardo, Armadong Hudas, at Totoy Hitman.
Bagamat nag-aksiyon, hindi naman matatawaran ang galing niya sa pag-arte mapa-drama, romantic-comedies, horror, at suspense na tinangkilik ng netizens. Sa totoo lang kung kailan nagka-edad si Ian lalong dumami ang kanyang mga tagahanga.
“I’m just so grateful for the respect of my peers, my directors, the networks, my friends from the press. Nakita na nila akong lumaki. And also to the people who keep supporting my projects, art exhibits, and concerts when I started going to music. Now movies and TV series. Nag-iiba na ang platform, but people are still supportive, and I am very grateful for that. It’s strange, I don’t know why. Maybe I must have done in my past life,” sambit ni Ian.
Wala ring plano si Ian na mag-celebrate ng kanyang ika-40 taon sa showbiz.
“I’m a simple guy. I don’t see myself as a celebrity. I’m an actor and would act on stage, on TV, or in movies, but not on the celebrity aspect. Sabi nga nila artists tell lies to create the truth. I really enjoy my job. Pagdating naman sa big celebration, I don’t know. I have no plans yet,” aniya.
Nang tanungin kung may plano siyang pumasok sa politics, sinabi niyang, “No, thank you. Gusto ko mag-ipon ng kaibigan, hindi kaaway. I just want a simple, peaceful life. You know my lifestyle. I love guitars and motorcycles. That’s it. I don’t need a mansion, I don’t need sports cars. I don’t need to have my own plane because my motor allows me to fly. Okay na ako sa simpleng buhay.”
Sa One Good Day, gagampanan ni Ian ang role ni Dale Sta. Maria, isang hitman na umalis sa Rodrigo Organization matapos malaman na siya ay mayroong tumor sa utak at nalalapit na ang kamatayan. Pero dahil sa pagkamatay ng kanyang mga mahal sa buhay, umalis sa pagreretiro si Dale at napilitang gawin ang kanyang huling personal na misyon.
“Masu-surprise sa ganda ng quality ang mga Pinoy viewers natin sa series na ‘to,” pagtitiyak ni Ian. “Dahil sa current technologies na available ngayon, mas mataas na ang kalidad ng mga shot at tunog, pati na ‘yung storya at fight scenes mas creative na kaya talagang proud kaming maipamalas dito ‘yung Filipino talent pagdating sa filmmaking,” ani Ian.
Hindi rin matatawaran ang direktor ng One Good Day na nakatulong ang pagiging sporty nito at galing sa Wushu na nakipag-compete sa ilang local at international competitions. Kilala siya sa tawag na Direk Lester at siya ang nasa likod ng mga pelikulang Panday, Lastikman, Imortal, La Luna Sangre, Indio, at Bagani.
“Sobrang ipinagmamalaki ko na makagawa ng action content para sa region natin – isang bagay na sa tingin ko ay kritikal sa growth ng industriya. Masuwerte ako na makatrabaho si Ian na hindi lang isang batikang aktor, pero isa ring magaling na martial artist at athlete. Tunay na professional na ibinigay ang kanyang buong tiwala sa Studio Three-Sixty,” sabi ni Direk Lester.
Kasama rin sa star-studded cast ng One Good Day sina Rabiya Mateo bilang Sandra; Andrea Torres bilang Alex Sandoval; Aljur Abrenica bilang Kyzer Catillo; Justin Cuyugan bilang Roman Rodrigo, Nicole Cordoves bilang Anne Rodrigo; Pepe Herrera bilang Joey Rodrigo, Robert Seña bilang Atty. Bobby Miclat; at Menchu Lauchengco-Yulo bilang Gloria Marquez.
Mapapanood fin sa six-episode series na ito sina Claire Ruiz, Louise Abuel, Joe Vargas, Marela Torre, Lance Pimentel, at Pontri Bernardo.
Isang kuwento tungkol sa pamilya, pag-ibig, kasakiman at kapangyarihan, i-stream ang One Good Day sa Amazon Prime Video tuwing Huwebes simula November 17, 2022.