Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marianne Beatriz Bermundo, 2021 Little Miss Universe

Little Miss Philippines Marianne Bermudo papasukin na ang pag-arte

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SABAY na magtutungo sina Marianne Beatriz Bermundo, Little Miss Universe 2021 at Little Miss Philippines 2022 Kate Hillary  Tamani sa Dubai sa October 24 para sa Little Miss Universe 2022. Ipapasa kasi ni Marianne ang korona sa tatanghaling LMU 2022 samantalang si Kate naman ang ating pambato.

Ani Marianne, masaya siyang isasalin na niya ang kanyang korona sa tatanghaling Little Miss Universe 2022.

I feel very happy that I will be passing this crown, this experience to the next Little Miss Universe. At nadagdagan ‘yung saya ko po, dahil ipapasa ko siya na  nagampanan kong mabuti ‘yung part ko as Little Miss Universe 2021. And at the same time, I feel very emotional because my reign as Little Miss Universe 2021 is ending,” masayang malungkot na sabi ni Marianne.

Nanamnam naman din kasi ni Marianne ang pagiging reyna kaya nga nasabi niyang, inspiring ang titulong nakuha niya. Marami rin kasi siyang natutunan at nakadagdag sa kanyang kaalaman. 

Sa totoo lang, ibang-ibang Marianne na nga ang aming nakausap kamakailan dahil noong kapapanalo pa lang nito bagamat bibo na rin namang magsalita, mas tumaas ang confidence nito sa sarili. Hindi kasi tumigil si Marianne na lalo pang palawigin ang kaalaman at pagsasanay para lalong mapataas ang antas ng kaalaman at confidence sa sarili. 

Balak din kasi niyang ituloy pa ang pagsali sa beauty pageant gayundin ang pagpasok sa showbiz. Kaya naman hindi rin tumitigil ang kanyang trainor na si Ayen Cas na sanayin pa siya.

Inspirasyon ni Marianne si Miss Universe 2018 Catriona Gray gayundin si 2022 Miss Universe PhilippinesCelesti Cortesi.

Representative ng ating bansa ngayong taon para lumaban sa Little Miss Universe 2022 si Kate Hillary, 8, grade 3 sa Manila Cathedral School na binigyan ng tips ni Marianne para sa paglaban sa Oct. 24.

Ani Marianne, “Make friends at ibigay mo ang iyong 100% para maiuwi ang Little miss Universe crown.”

Todo rin naman ang kayod ni Kate at nangakong gagawin ang lahat para masungkit at maiuwi ang korona.Itinanghal na grand winner in Best Top Model Philippines Cycle 9  last May 7, 2022 si Kate kaya pala ganoon na lamang kagaling ding rumampa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …