Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lolit Solis

Lolit Solis kinompirma: tinanggal siya sa PAMI

RATED R
ni Rommel Gonzales

IKINALUNGKOT ng TV host, entertainment columnist, at manager na si Lolit Solis ang desisyon ng Professional Artist Managers, Inc. o PAMI na alisin siya sa grupo. Isa sa founding members ng PAMI si Lolit at tumatayo namang presidente si June Torrejon-Rufino.

Nag-ugat ang desisyon ng PAMI na i-expel ang veteran entertainment columnist nang i-violate nito ang isa sa kanilang rules nang i-post nito ang naging resignation ni Shirley Kuan sa kanilang group chat.

Makikita sa Instagram page ni Lolit na ibinahagi niya noong October 14 ang mensahe ni Miss Kuan sa PAMI.

Hanggang isinusulat namin ang kolum na ito, makikita pa rin sa account ni Lolit ang personal chat na ito.

Ayon sa official letter ni Mr. Rufino kay Lolit, ang ginawa nito ay labag sa “confidentiality rule” ng PAMI.

Aniya, “I write on behalf of our group, the Professional Artist Managers, Inc. (PAMI) to inform you that you have violated our rules, “that everything we discuss during meetings and those posted in our Viber chat group should be treated with confidentiality.

“However, you made public via your Instagram a message of Shirley Kuan, which was posted in our Viber chat by the undersigned.

“This is a clear breach of the confidentiality agreement of our group>.In lieu of this, I regret to inform you that we have decided to expel you from the group.”

Bago ito dinepensahan ni Kuan ang kanyang alagang si Start-Up PH star Bea Alonzo sa exclusive interview ng PEP.Ph sa “unprovoked” attacks ni Solis nitong mga nakalipas na buwan.

Naglabas din ng official statement ang GMA Network na nagpahayag ng suporta sa multi-awarded Kapusoactress.

Diin ng Kapuso station, “Nananatiling buo ang suporta at pagpapahalaga ng GMA Network kay Ms. Bea Alonzo bilang isang aktres at aming Kapuso. 

“Wala sa kultura ng Kapuso ang paninira sa kahit sino man at hindi rin namin pinapayagan na pagsalitaan ng hindi totoo ang aming mga artista at programa.”

Tinanggap naman ni Lolit ang naging desisyon ng PAMI at humingi rin ito ng tawad.

Buong pahayag niya sa Instagram, “Nalungkot ako Salve ng matanggap ko ang EXPULSION letter ng PAMI. Alam ko na may nagawa akong kasalanan kaya tanggap ko ang parusa. Humanga ako dahil naging matapang si June Rufino this time na gumawa ng stand. Maganda example na ipakita nila sa lahat na binibigyan nila ng parusa ang mga hindi sumunod sa rules ng PAMI.

“I am sorry for messing up, at mabuti nga ginawa nila ito at baka dumami pa ang mag resign tulad ni Shirley Kuan. Ngayon hindi na magre-resign ang mga ayaw sa akin, dahil expelled na ako.

“At least, na EXPEL ako dahil sa ibang rason at hindi dahil sa BULLY ako. I admit to my mistake, I bow to June Rufino as president of PAMI, and I hope the organization at ang mga members magtagumpay lahat lalo na ang mga alaga nila na parang anak na kaya inilalaban ng patayan gaya ni Shirley Kuan kay Bea Alonzo .Wish all of you well and success. Your EXPELLED member, Lolita Solis.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …