Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maria Ozawa Jose Sarazola

Jose Sarosola at Maria Ozawa good friends pa rin kahit hiwalay na 

RATED R
ni Rommel Gonzales

SPEAKING of Jose Sarasola, hindi naging madamot ang celebrity chef na pag-usapan ang tungkol sa kanila ng ex-girlfriend, ang Japanese actress na si Maria Ozawa. Magkaibigan raw sila kahit hiwalay na.

“Okay naman, Maria is good, she’s in Japan.

“We’re friends naman since nag-break kami last year.

“The best takeaway for me is, since the past years ang daming nag-break na mga high-profiles celebrities… medyo a bit tarnished ‘yung breakup, medyo madugo, eh.

“But for me siguro, the best takeaway ko kay Maria is we’re still friends pa rin.”

Ayon pa rin kay Jose, wala silang samaan ng loob ni Maria, katunayan magka-follow at friends pa rin sila sa Instagram at Facebook.

“We don’t talk naman every day, pero wala kaming unfollow on Instagram or unfriend on Facebook.

“So, for me, the best takeaway sa breakup namin, though it sounds a bit wrong, the best takeaway is, ‘yun nga, friends pa rin kami.”

Noong December 2021 pa nang magdesisyon sila ni Maria na maghiwalay. Mutual decision ito dahil hindi na nila kaya ang long-distance relationship (LDR).

Umalis ng Pilipinas si Maria noong kasisimula pa lamang ng COVID-19 pandemic, at umuwi sa kanilang bansa sa Japan.

Si Jose naman ay naiwan at nanatili rito sa Pilipinas at hanggang ngayon ay host ng cooking show sa GMA na Live Well, Eat Well. Stay Well ng Ajinomoto kasama si Iya Villania tuwing Biyernes bago ang Eat Bulaga! sa GMA.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …