Sunday , December 22 2024
Beauty Gonzalez Thea Tolentino

Empowered women tatalakayin sa serye nina Beauty at Thea

RATED R
ni Rommel Gonzales

HINDI lang tarayan at patalbugan ang mapapanood sa upcoming GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: The Flower Sisters. Isang magandang kuwento rin ito tungkol sa empowered women, ayon sa isa sa lead stars nitong si Beauty Gonzalez.

Gaganap si Beauty sa serye bilang si Violet na may hinanakit sa kanyang pamilya dahil hindi magawa ng mga itong pagkatiwalaan siya sa mahahalagang bagay tulad ng negosyo.

Isa siya sa Chua sisters, apat na magkakapatid sa ama na may kanya-kanya ambisyon at pangarap na magiging sanhi ng banggaan at tunggalian sa kanila.

“It really shows kung gaano tayo kalakas bilang mga babae. Kahit anong mangyari, kakayanin natin ang buhay. Sisters and family are also important,” pahayag pa ni Beauty.

Bahagi rin ng serye si Kapuso actress Thea Tolentino. Siya si Dahlia, ang kapatid na lumaking malayo sa pamilyang Chua pero mapipilitang lumapit sa mga ito dahil sa matinding pangangailangan.

Excited na si Thea sa proyekto dahil unang beses niyang makakatrababo ang karamihan ng kanyang co-stars, lalo na ang mga gaganap bilang kapatid niya.

“First time ko silang makatrabaho, lalo na si Ate Aiko [Melendez]. Nakikita ko siya sa ‘Prima Donnas’ eh. ‘Di ba ang taray-taray? Noon sa taping na, sabi ko, ay ang bait. Gulat na gulat ako,” kuwento ni Thea.

Bukod kina Beauty at Thea, bahagi rin ng serye sina Aiko Melendez, Angel Guardian at marami pang iba. Mapapanood na ang Mano Po Legacy: The Flower Sisters simula October 31, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …